Miranda at Anderson copy

MAY source na nagsabi sa ETOnline na ang 32 taong gulang na Grammy winner na si Miranda Lambert ay nakikipag-date sa singer na si Anderson East. “It’s fairly new. They started seeing each other less than two months ago,” sabi ng source. “They are just having fun and seeing where it goes.

”Nakipaghiwalay si Miranda sa kanyang dating asawa na si Blake Shelton noong Hulyo at nitong Nobyembre ay nagkamabutihan sina Blake at ang kapwa niya The Voice coach na si Gwen Stefani. Ngayon, sinabi ng source na, “Anderson is the complete opposite of Blake.”

So, sino nga ba si Anderson East? Una sa lahat, iyon ay stage name lang niya, siya ay ipinanganak bilang Michael Anderson. Rhythm and blues singer si Anderon na nagkaroon ng unang single na, Satisfy Me.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Gumagawa na rin sina East at Miranda ng musika na parehong naitampok sa tribute album na,Southern Family.

Ini-record ni Miranda ang sarili niyang version ng Sweet By and By. (ET Online)