Kinondena ni Pope Francis ang pagpatay kamakailan sa siyam na sibilyan sa Mindanao sa bisperas ng Pasko.

Tulad ng isang lolo, patuloy si Pope Francis – masuyong tinatawag ng mga Katolikong Pinoy bilang Lolo Kiko – sa pagbabantay sa Pilipinas.

Ang mensahe ng papa ay ipinaabot sa pamamagitan ng isang telegrama kay Apostolic Nuncio in the Philippines, Giuseppe Pinto, noong Disyembre 27, 2015, ni Vatican Cardinal Secretary of State Pietro Parolin.

Ang nasabing mensahe ay ipinadala naman kay Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo noong Disyembre 28, 2015, ayon sa CBCP News.

National

Bam Aquino, hangad hustisya para sa mga biktima ng EJK: ‘Dinadamayan natin sila’

“The Holy Father was deeply saddened to learn on the senseless killing of innocent people in Mindanao, and he sends condolences to the families of those who lost their lives,” mababasa sa pahayag.

Sinabi ng papa, bumisita sa bansa noong Enero, na siya ay nalulungkot sa iniulat na mga pag-atake at hiniling sa mga mananampalataya na itakwil ang karahasan sa ngalan ng Diyos.

Umaasa rin ang papa na maitatag ang seguridad at kaligtasan sa magulong rehiyon “so that dialogue, tolerance and peace may enable each person to live free from fear.”

Nanawagan din si Pope Francis sa mga mananampalataya na samahan siya sa pagdarasal para sa mga biktima at kanilang mga pamilya. (LESLIE ANN AQUINO)