Judy Ann copy

NAKITA namin sa Instagram account ni Ryan Agoncillo ang picture ng kanyang mag-anak na nakaka-good vibes. Ang asawang si Judy Ann Santos, kahit kabuwanan ay nag-i-exercise pa rin at sinasabayan siyang magbuhat ng dumbbells ng anak na si Yohan.

Kasama nina Judy Ann at Yohan si Lucho, pero deadma sa exercise si Lucho na mas piniling butingtingin ang cellphone.

Ang ganda ng hashtag ni Ryan na #goodmorning #good vibes.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Due date na ni Judy Ann at any day now hanggang sa first week ng January 2016 ay lalabas na ang kanilang magiging bunso na Luna ang napili nilang ipangalan. Ang wish ng family at friends nina Judy Ann at Ryan, sa January 1, 2016 na manganak ang aktres.

Sa isang post sa IG, ipinakita ni Judy Ann na nakahanda na ang mga dadalhin niyang gamit sa hospital ‘pag mangananak na siya.

“Tips for mom’s about to give birth... Prepare your things even before the baby’s arrival (baka mapaaga pagdating mabuti nang handa -- change of clothes, cotton balls, baby wipes, toiletries, maternity pads, books or anything that can keep you company while at the hosp.:), newborn diapers, alcohol... (bring the things na puwedeng i-provide ng hosp. Para bawas sa bayarin. Hehe) socks (may pang-new year at pasko ako para masaya!) at ang pinakaimportante sa lahat? Your HUSBAND! To hold you, take videos and photos, to take care of you... And to pay for your hospital bills. Hehehe!” (NITZ MIRALLES)