TALAVERA, Nueva Ecija - Hinihinalang nalunod sa irrigation canal ng National Irrigation Administration (NIA) ang isang 46-anyos na biyudo makaraang makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Purok 5, Barangay Bacal 3 sa bayang ito, noong Pasko ng gabi.

Kinilala ng Talavera Police ang biktimang si Edmond Bato y Dela Cruz, magsasaka, na natagpuang palutang-lutang sa irrigation canal.

Huling nakita si Bato dakong 10:00 ng gabi nitong Biyernes habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa nasabing lugar at nang matapos ang inuman ay isa-isang nag-uwian ang magkakaibigan ngunit naiwan umano si Bato makaraang makatulog sa labis na kalasingan.

Naniniwala ang mga kaanak ni Bato na posibleng nadulas ito sa irigasyon at dahil hindi marunong lumangoy ay nalunod.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Light A. Nolasco)