Nagpapagamot ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng rumespondeng pulis makaraang habulin niya ng taga ang dalawa pang pulis sa Tanza, Cavite, nitong Pasko.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Leandro Bagangan Masangkay, 30, ng Barangay Bagtas, Tanza, Cavite.

Nagtamo si Masangkay ng tama ng bala sa kaliwang binti at dinala sa Philippine Orthopedic General Hospital, at ginagamot siya doon ngayon.

Sinabi ni PO2 Dennis Lumucso Magsaysay na binaril ng rumespondeng pulis ang suspek nang tangkain nitong tagain si PO1 Mark Anthony Modrigo, ng Paradahan Police Community Precinct sa Tanza dakong 11:20 ng gabi noong Biyernes, kasama si PO1 Emerson Comia.

Eleksyon

'It's time!' Middle class, pagtutuunan ng pansin ni Erwin Tulfo sa senado

Napag-alaman na nagtungo si Masangkay sa himpilan ng pulisya dahil ikinulong ang isa nitong kaanak sa hindi pa mabatid na dahilan.

Pinaniniwalaang bangag sa ipinagbabawal na gamot, naglabas si Masangkay ng itak at hinabol ang grupo ni Modrigo kaya binaril siya.

Kinasuhan siya ng pulisya ng direct assault at alarm and scandal. - Anthony Giron