Ni NITZ MIRALLES

KAHIT nasa Japan si Angelica Panganiban, suportado niya ang kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz at sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde sa laban nila sa MMFF para sa Honor Thy Father. Busy si Angelica sa pagre-repost sa Instagram ng comments sa movie ng nobyo at pati theaters na nagpapalabas nito.

Nang mapabalitang disqualified ang movie, ang reaction ni Angelica, “Nakakalungkot to... Nakakalungkot... Heartbreaking.”

Ang isyu na unang kumalat ay ipu-pullout sa mga sinehan ang naturang pelikula. After ng ticket swapping issue, tinawag naman itong “#HonorThy FatherScandal”. Pero tinanggal lang ito sa mga nominado para sa Best Picture category ng MMFF awards.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

Nagalit ang moviegoers sa naunang desisyon ng MMFF na i-pullout sa mga sinehan ang Honor Thy Father, may nanawagan na magmartsa sila at may mga nag-iingay sa social media. Kaya siguro nagdesisyon ang MMFF na i-disqualify na lang sa best picture category sa awards night ang movie.

Ang hindi lang maganda sa nangyari, nadamay ang ibang pelikula na wala namang kinaalaman sa desisyon ng MMFF. Hindi naman kasalanan ng ibang producers kung hindi kasing-tindi at kasing-relevant ng MMFF ang kanilang pelikula.

Hindi rin kasalanan ng mga producer at mga artistang nasa cast ng ibang MMFF entries kung mas pinapanood ang movie nila kumpara sa Honor Thy Father. Kahit sina John Lloyd Cruz at si Direk Erik, tanggap na hindi sila magna-number one sa box-office.

Ang gusto lang nila, maipakita at mapanood ng moviegoers ang Honor Thy Father at kung bakit nagustuhan ito ng mga nakapanood na at maging ng mga nakapanood nang ipalabas sa ibang bansa.

Co-producer si John Lloyd ng Honor Thy Father, sana lang, hindi siya ma-disappoint sa box-office result ng movie at patuloy siyang makipag-collaborate sa ibang producers at directors for his growth as an actor na rin.