ZAMBOANGA CITY – Kalaboso ang isang babaeng pasahero matapos siyang makumpiskahan ng siyam na bala ng isang Armalite rifle habang papasok sa kabubukas na Integrated Bus Terminal sa Divisoria.

Kinilala ng Divisoria Police chief, Chief Insp. Arlan Delumpines ang babae na si Indang Omar y Sangkula, 45, dalaga, ng Upper Pulacan, Zamboanga del Norte.

Sinabi ni Delumpines na pinigil si Omar sa terminal area makaraang matukoy ng metal detector ang mga bala sa loob ng kanyang bagahe at nang inspeksiyunin ng mga pulis ay nadiskubre nila ang siyam na bala ng 5.56mm sa loob ng bag ni Omar. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog