Patay ang isang 41-anyos na lalaki matapos tarakan sa leeg ng umano’y kinulit na kainuman sa Muntinlupa City noong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Ronie Bandilla, nakatira sa No. 203 Joaquin Compound, Purok 8, Barangay Alabang, ng nasabing lungsod.

Tinutugis na ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police ang suspek na si Marcelino Palcon alyas “Sinoy”, nasa hustong gulang, tubong Leyte, at residente ng Bautista Compound, Bgy. Alabang.

Sa ulat na tinanggap ni Muntinlupa City Police Chief, Senior Supt. Nicolas Salvador, dakong 3:30 ng madaling araw nang humantong sa mainit na pagtatalo ang kulitan ng biktima at suspek sa gitna ng masayang inuman sa Bautista Compound sa Purok 8 ng nabanggit na barangay. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter