NLEX VS Rain or Shine_01_122015_erus copyMga laro ngayon MOA Arena

3:00 pm Rain or Shine (3) vs. Blackwater(10)

5:15 pm Talk ‘N Text (6) vs. NLEX (7)

Ni Marivic Awitan

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Kung ang magkakapatid ay kailangang magbigayan at magparaya pagdating sa isang bagay upang hindi mag-agawan, tiyak na hindi ganito ang gagawin ng magkapatid na koponang Talk ‘N Text at NLEX sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa pagpapatuloy ng quarterfinal round ng 2016 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Hindi nakaiwas na magkatapatan sa playoffs ang Tropang Texters at Road Warriors makaraang tumapos na ika-6 at ika-7, ayon sa pagkakasunod.

Nakalalamang ang una dahil isang beses lamang nitong kailangang manalo upang umusad sa second phase ng playoff round kung saan makakaharap nila sa isang knockout match para sa isa sa nalalabing dalawang semifinals berth ang magwawagi sa unang laro sa pagitan ng 3rd seed Rain or Shine at No.10 team Blackwater.

Naunang makapasok ng semis ang Alaska at defending champion San Miguel Beer.

Ang isa pa sa natitirang semis slot ay pag-aagawan naman ng apat na quarterfinalists— ang Globalport at Barako Bull at Ginebra San Miguel at sister squad Star.

Gaya ng Talk ‘N Text, may twice-to-beat advantage rin ang Rain or Shine kontra Elite na sa unang pagkakataon ay nakapasok ng playoff matapos ang tatlong sunod na maagang pagbabakasyon sa kanilang rookie year.

“We will do our best and hope that we can compete with them(ROS),” pahayag ni Blackwater coach Leo Isaac na nangakong sisikapin nilang makaisa sa ROS.

Katulad ng NLEX, kinakailangan ng Blackwater na gapiin ng dalawang beses ang TNT para makausad sa knockout phase ng playoffs.