Pito sa bawat sa 10 Pinoy ang naniniwala na magiging masaya ang selebrasyon ng Pasko ngayong 2015, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Batay sa resulta ng fourth quarter survey noong Disyembre 5-8, na sinagot ng 1,200 respondent, 72 porsiyento ng mga Pinoy adult ang nagsabing magiging masaya ang kanilang Pasko, pitong porsiyento ang hindi magiging masaya, at 20 porsiyento ang kapwa nagsabing hindi masaya o malungkot ang kanilang selebrasyon.

Umabot sa 1,200 respondent ang nakibahagi sa survey.

Sinabi ng SWS na ito ang pinakamataas na iskor ng “Christmas happiness” sa nakalipas na 12 taon.

Eleksyon

Willie, makikipag-away din daw sa senado: 'Para sa mahihirap!'

Ang huli ay noong 2003, na umabot sa 77 porsiyento.

Noong 2002, umabot ang bilang ng mga Pinoy na umasa sa masayang Pasko sa pinakamataas na 82 porsiyento.

Ito ay umabot sa 77 porsiyento noong 2003 bago nanatili mula 62 hanggang 69 na porsiyento noong 2004 hanggang 2013.

Tumaas ito ng limang puntos sa Metro Manila, limang puntos sa Visayas at limang puntos sa Mindanao, na may kasamang pagbaba ng dalawang puntos sa natitirang bahagi ng Luzon. (Ellalyn B. de Vera)