Sinuway ng New People’s Army (NPA) ang sariling tigil–putukan para sa Pasko sa pag-atake sa mga tropa ng Army sa bayan ng San Miguel, Surigao Del Sur, sinabi ng militar.

Ayon kay Capt Joe Patrick Martinez, public affairs officer, 4th Infantry Division (4ID), nangyari ang insidente dakong 9:30 ng umaga noong Miyerkules sa Barangay Bitaugan sa San Miguel.

Isang grupo ng armadong NPA, sa pamumuno ni Brando Juagpao alyas “Rodel”, ang iniulat na namaril sa mga sundalo na nagawang masupil ang pag-atake. Walang iniulat na namatay sa tropa ng Army at kaagad na nagsagawa ng pursuit operation laban sa mga tumakas na rebelde.

Sinabi ni Martinez na isa pang labanan ang iniulat malapit sa hangganan ng Agusan del Sur at Surigao del Sur.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Binanggit ang ulat mula kay Col. Isidro Purisima, commander ng 402nd Infantry Brigade, sinabi ni Martinez na ang mga sundalong napalaban sa mga NPA ay nakatalaga sa lugar para ayudahan ang pamahalaang lokal ng San Miguel sa paghahatid ng mga development program at serbisyo sa komunidad.

“We are not surprised by this event. Although the CPP central committee made the declaration of ceasefire effective December 23, 2015 until January 3, 2016, their armed wing—the NPA continued their banditry,” sabi ni Purisima.

“Either they lack sincerity on their pronouncement or they have no firm control over their comrades at the lower level,” dagdag niya.

Nagdeklara rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 12-day unilateral ceasefire na epektibo Disyembre 23 hanggang Enero 3, 2016.

“As in the past holiday season, the AFP has been consistent on declaring ceasefire in observance of the Christmas spirit of joy, peace and harmony,” sabi ni Martinez. - Elena L. Aben