Nananatili si Senator Grace Poe sa inisyal na listahan ng mga kandidato para sa halalan sa Mayo 2016 sa kabila ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec) en banc na ibasura ang dalawang motion for reconsideration nito kaugnay sa kanyang disqualification.

“Right now her name is on the ballot as we speak,” sabi ni Comelec Chairman Andres Bautista sa isang press briefing noong Miyerkules. “She is still in the list (of candidates).”

Noong Miyerkules, in-upload ng Comelec ang initial list of candidates para sa halalan sa Mayo 2016 sa kanilang Election Management System (EMS). Sa parehong araw, ibinaba ng en banc ang desisyon nito sa disqualification ni Poe.

Sa tanong kung hanggang kailan mananatili sa balota ang pangalan ni Poe, sinabi ni Bautista na “it depends”. - Leslie Ann Aquino
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'