ISULAN, Sultan Kudarat – Nakatanggap ng impormasyon ang ilang operatiba ng pamahalaan na binabalak umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), sa pangunguna ng isang Mohaiden Animbang, alyas “Kumander Karialan”, na sumalakay sa ilang posisyon ng militar sa Maguindanao, Sultan Kudarat at Cotabato ngayong Pasko.

Kaugnay nito, sinabi ng militar na nakahanda ang kanilang hanay sa anumang karahasan na maaaring gawin ng BIFF.

Ayon kay Lt. Col. Ricky Bunayog ng 33rd IB, may sakop sa ilang posisyon sa Maguindanao at Sultan Kudarat, hindi sapat ang kakayahan ng grupo para maglunsad ng pag-atake subalit hindi rin sila dapat na maging kampante lalung-lalo na sa pagsasaalang-alang sa seguridad ng mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Tiniyak naman ni Senior Superintendent Danny Reyes, Sultan Kudarat police provincial director, na mas pinaigting pa nila ang police visibility sa latlawigan. - Leo P. Diaz

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae