SAN JUAN, Puerto Rico (AP) — Isang supervisor sa Institute of Forensic Sciences ng Puerto Rico na nag-iimbestiga sa pagpatay sa isang 70-anyos na lalaki na ninakawan sa loob ng kanyang bahay ang inakusahan ng tangkang pagnakawan ng mahigit $3,000 ang biktima.

Sinabi ng Justice Department ng U.S. territory noong Martes na si Anibal Gonzalez ay inakusahan din ng pagnanakaw ng debit card at credit card ng biktima sa lugar ng krimen at itinakas ang $800 bill. Kinasuhan din siya ng pananakot sa mga saksi gamit ang baril.

Kasamang kinasuhan ang asawa ni Gonzalez na si Elizabeth Maldonado.

Sinabi ng mga awtoridad na nagsumbong sa kanila ang asawa ng biktima.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo