MASAYANG-MASAYA si Iñigo Pascual at halos hindi pa makapaniwala na sa unang pagkakataon ay kasama na siya sa isang teleserye ng ABS-CBN. Pakiramdam niya ay nananagip lang siya.

Kung dati raw ay nanonood lang siya ng ABS-CBN shows, ngayon ay kasama na siya sa mga pinapanood sa And I Love You So.

Katambal ng unico hijo ni Piolo Pascual si Miles Ocampo na tulad niya ay tuwang-tuwa rin na sa tagal ng paghihintay ay binigyan na rin sa wakas ng teleserye.

Kasama rin nina Iñigo at Miles sina Julia Barretto, Angel Aquino at Dimples Romana.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“I’m super thankful to be given the spot, to be given a role in the show. Sobrang masaya ako kasi first teleserye ko ‘to. I’m really excited for it sana magustuhan ng maraming tao,” sey ni Iñigo.

“I’ve known Miles since we were kids, I mean I’m excited kasi I never saw it coming. I never knew that one of my childhood best friends would actually be my ka-love team in the future,” sabi ng aktor.

Napakaganda raw ng pasok ng taong 2016 sa kanya. Bukod kasi sa bagong teleserye ay pinaghandaan na rin niya ang kanyang bagong album.

“I’m starting my music. I wrote a bunch of songs. I gave out my demos already and that’s going out hopefully by first quarter of 2016. I wrote most of the songs in the album. For most songs, I guess you just have to consult a bunch of artists like Sam Concepcion, I asked him about my originals if it was good. Kasi siyempre bago mo ibigay dapat maganda, dapat magustuhan ng mga tao,” napapangiti pang banggit ni Iñigo. (Jimi Escala)