Isang limang taong gulang na babae ang namatay habang 26 na iba pa ang dinala sa ospital makaraang malason sa buko juice sa Calatrava, Negros Occidental.

Kinumpirma ni Negros Occidental provincial health officer, Dr. Ernell Tumimbang, na dumanas ang mga biktima ng pagkahilo matapos uminom ng buko juice.

Ang bata ay binawian ng buhay sa kanilang bahay sa Barangay Maaslob, Catlava, Negros Occidental matapos uminom ng buko juice na dala ng kanyang ate mula sa dinaluhang Christmas party.

Sinasabing nilagnat at nagsuka rin ang biktima ngunit hindi naman siya ipinagamot ng kanyang mga magulang.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang iba pang biktima, karamihan ay edad pito hanggang walo, ay naisugod sa pagamutan matapos nakaranas ng pananakit ng tiyan, mataas na lagnat, at dehydration dalawang araw matapos ang party. (FER TABOY)