DASMARIÑAS CITY, Cavite – Dalawang pinagputul-putol na bangkay ng lalaki ang natagpuan nitong Lunes sa loob ng isang plastic drum sa gilid ng sapa sa Barangay Saint Peter I sa siyudad na ito, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Insp. Valero Bueno na hindi pa rin nakikilala ang mga bangkay habang sinusulat ang balitang ito.

Batay sa report ni PO3 Reynald Afable, sinabi ni Bueno na may putol na ulo, torso, at mga kamay at mga binti sa loob ng drum na natagpuang nakatumba sa gilid ng sapa.

Isa pang ulo at ilan pang bahagi ng katawan ang nakakalat naman sa labas ng drum, ayon sa pulisya.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sinabi ni Afable na inaalam pa nila kung ang mga biktima ay sinalvage o ginamit sa human dissection-medical studies.

(Anthony Giron)