c

Ang dalawang opisyal ng FIFA ay kapwa nahaharap sa mga kaso na may kaugnayan sa panunuhol (bribery) at korupsyon (corruption).

Magugunitang sinuspinde sina Blatter at Platini, na kapwa highest ranking officials ng FIFA matapos na simulan ang pagsasagawa ng criminal investigation ng mga Swiss prosecutor tungkol sa pag-apruba ni Blatter ng maanomalyang cash transfer kay Platini noong 2011.

Kapag napatunayang guilty, matutuldukan kaagad ang 17 year reign ni Blatter.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Mawawalan din ng pag-asa si Platini ng tyansang makasali sa eleksyon para sa panibagong presidente ng organisasyon sa darating na Pebrero.

Pinatawan ng mga FIFA investigator ng life ban sina Blatter at Platini.

Naghain na rin sila ng apela tungkol dito. (Bombo Radyo Sports)