vic copy copy

HINDI na kailangang mag-comment pa ni Pauleen Luna nang i-post sa Instagram ang invitation sa January 2016 wedding nila ni Vic Sotto. Ang followers na niya ang nag-comment na “simple,” “elegant” at “maganda” ang wedding invites na first letters lang ng pangalan nila ni Vic ang nakalagay.

Nakakapanibago rin na puro positive ang comments sa post ni Pauleen. “Congratulations” at “best wishes” ang aming nababasa, kabaligtaran sa earlier comments na kanegahan ang reaction ng ilang followers ni Pauleen sa nalalapit na kasal nila ni Vic.

Hit din sa followers ni Pauleen ang ipinost niyang picture ni Vic bilang si Dodong Smash, ang ama ni Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Naka-costume si Vic at kuntodo porma. Ang lakas ng tawanan nang unang labas ni Vic bilang si Dodong Smash sa EB.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Swak sa promo ng MMFF entry nina Vic, Ai-Ai delas Alas, Maine Mendoza at Alden Richards na My Bebe Love ang pagpasok ni Vic sa kalyeserye. Mag-ama sila ni Maine sa movie at mag-ama rin sa kalyeserye.

Ang hinihintay ng Aldub Nation ay kung sino ang gaganap na ina ni Yaya Dub, ang wish at request ng fans, sana si Pauleen. (Nitz Miralles)