5SOS copy

MULING nagbabalik ang 5 Seconds of Summer (5SOS) sa paglabas ng kanilang pinakabagong music video na Jet Black Heart, isa sa mga track ng kanilang album na Sounds Good, Feels Good —ang ikalawang album ng Australian band sa loob ng dalawang taon, kasunod ng self-titled album noong 2014.

Ini-release noong Biyernes, dakong 5:00 a.m (oras sa Maynila) sa pamamagitan ng 5SOS official VEVO YouTube channel, ang video ay nagrehistro na ng 700,000 views.

“We asked our fans to help make this video. We wanted to hear your stories. We were overwhelmed by the response.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

This video goes out to you,” mensahe ng banda sa kanilang video.

Noong Huwebes, inilabas ng grupo ang teaser ng kanilang music video sa pamamagitan ng kanilang Twitter account upang lalong manabik ang kanilang mga tagahanga sa kanilang pinakabagong music video.

 We’ve made a video for Jet Black Heart. This one’s for all of you. It’s yours tomorrow. https://t.co/QSAancP4ly— 5 Seconds of Summer (@5SOS) December 16, 2015

Nakuha ng #JetBlackHeartMusicVideo ikatlong puwesto sa the Philippines’ trends list noong Biyernes ng umaga.

(MB Entertainment)