IAN AT JODI copy

PURING-PURI ni Jodi Sta. Maria si Ian Veneracion. Malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN management na ipinareha siya sa actor.

Hindi rin itinago ni Jodi na humahanga rin siya sa kaguwapuhan ni Ian pero hanggang doon lang daw ‘yun, huh!

“Sinabi ko nga, nu’ng nag-mall show kami two weeks ago, at hindi ko rin naman ipagkaila na binanggit ko sa mga tao na talagang ina-appreciate ko ‘yung kagandahang lalaki ni Ian. Kumbaga, lalaking-lalaki talaga. At wala naman sigurong magsasabi na hindi siya guwapo,” sey ni Jodi nang makausap namin sa hallway ng ABS-CBN kaugnay sa promo ng pelikula nilang pang-Metro Manila Film Festival, ang All You Need is Pag-ibig na pinagbibidahan nina Kris Aquino at Derek Ramsay.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Inamin din ni Jodi na pati nga raw siya ay kinikilig sa tambalan nilang dalawa tuwing pinapanood niya ang mga eksena nila sa Pangako Sa ‘Yo.

Binanggit din ni Jodi na malaki ang kaibahan ng working relationship nila sa serye kumpara sa pelikula.

“Pansin na pansin n’yo naman na medyo mas light dito sa movie kaysa napapanood gabi-gabi. Malaki ang kaibahan talaga. Kumbaga, dito (All You is Pag-ibig), ’yung story namin ni Ian parang he’s just trying to move on from a broken heart and then parang boss ko kasi siya,” kuwento pa ni Jodi.

Dagdag pa ng magaling na aktres, sa istorya ng pelikula ay “long time crush” niya si Ian.

“May crush ako sa kanya pero alam kong hanggang doon lang naman ‘yun. Never ko naman na ini-expect na magle-level up or mauuwi sa kung saan man,” lahad ng lalong gumagandang aktres.

After Richard Yap na talaga namang naging crush ng bayan simula nang makatambal siya, ngayon ay si Ian Veneracion naman ang pinagkakaguluhan. Ano ang masasabi ni Jodi na malaki ang naging kontribusyon niya kung bakit naging bukambibig ang dalawang aktor?

“Well, masuwerte sila,” sabay tawang sagot ni Ms. Jodi Sta. Maria. (JIMMY ESCALA)