BUTUAN CITY – Nasa 1,475 pamilya o halos 7,000 katao ang naapektuhan ng matinding baha dulot ng malakas na ulan sa Caraga region.

Ayon sa mga source mula sa iba’t ibang disaster risk reduction and management council (DRRMC) sa rehiyon, batay sa datos kahapon ng tanghali, ang nasabing bilang ng mga pamilya ay nakatuloy sa 27 evacuation center sa iba’t ibang bahagi ng Caraga at posibleng tumaas pa habang nagpapatuloy ang pag-ulan.

Karamihan sa evacuees ay nagmula sa mabababa at bahaing lugar sa Agusan del Sur, Surigao del Sur, Agusan del Norte at ilang bahagi ng Surigao del Norte, Dinagat Islands, at Siargao Islands.

Iniulat ng Agusan Provincial DRRMC na ang ilan sa evacuees ay nagmula sa mga munisipalidad ng Veruela, Sta. Josefa, San Francisco, at Prosperidad.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Samantala, ilang kalsada sa Bayugan City at San Francisco ang hindi madaanan dahil sa matinding baha.

Iniulat din ng regional quick response and monitoring action center ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 13 na dumadanas ng brownout ang ilang bahagi ng Agusan del Sur, ang Tandag City at ang mga munisipalidad ng Tago at Cortes sa Surigao del Sur, gayundin ang General Luna, Siargao island, at Surigao del Norte.

(MIKE U CRISMUNDO)