Natagpuan ng mga residente ang bangkay ng isang mangingisda, na unang naiulat na nawawala kasama ang apat nitong kabaro nang manalasa ang bagyong ‘Nona’ sa Bicol region noong Lunes, habang palutang-lutang sa karagatan ng Barangay Dancalan, Bulusan, Sorsogon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edwin Bolaginao, 20, mula sa Tabaco City, Albay.

Ayon kay Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) sa Bicol, agad na ipinaalam sa Tabaco City Disaster Risk Reduction Unit ni Renee Equiza, chairman ng Barangay Dancalan.

Natagpuan ang bangkay ni Bolaginao ng mga residente dakong 2:30 ng hapon, kahapon.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sinabi ng pulisya na si Bolaginao ay kabilang sa limang mangingisda na nagpalaot noongisyembre 6 subalit tinangay ang kanilang bangka ng malakas na alon sa kasagsagan ng bagyong ‘Nona’. (PNA)