110913_Franklin Drilon presscon04_hernandez copy

Hindi muna dapat ituloy ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng balota para sa May 2016 elections hanggang hindi pa nadedesisyunan ng Korte Suprema ang disqualification case na inihain laban kay Sen. Grace Poe-Llamanzares.

Ito ang panawagan ni Senate President Franklin Drilon, isang re-electionist, na nagsabing dapat ding ikonsidera ng poll body ang pagbabago sa kalendaryo nito sa eleksiyon habang hinihintay ang desisyon ng kataas-taasang hukuman.

Aniya, posibleng hindi pa rin makapaglabas ng desisyon ang Korte Suprema bago ang pag-iimprenta ng mga balota.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“The Comelec just have to postpone the printing of the ballot and just (work) double time...we hope that the Comelec can postpone the start of the printing and await the SC decision and the SC must decide it as soon as practicable,” pahayag ni Drilon.

Ito ay matapos tanggapin ng Comelec ang certificate of candidacy (CoC) ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang senyales na makatatakbo na ito sa pagkapangulo sa 2016 bagamat may nakabimbin pa ring disqualification case ang alkalde laban sa kanyang kandidatura.

Inaasahan namang dedesisyunan ng Comelec ang disqualification case laban kay Poe sa susunod na linggo.

Iginiit ni Drilon na ang desisyon na inilabas ng Senate Electoral Tribunal (SET) ay tungkol lamang sa isyu ng citizenship ni Poe at hindi sa usapin ng residency na ngayo’y tinatalakay ng poll body.

Nangangamba si Drilon, isang opisyal ng Liberal Party na sumusuporta sa kandidatura ni Mar Roxas, na posibleng hindi pa rin bumaba ang desisyon ng Supreme Court bago simulan ang pag-iimprenta ng mga balota sa Enero 19, 2016.

(Hannah L. Torregoza)