VICE at COCO copy

SA huling pagharap nina Coco Martin at Vice Ganda sa press people para sa promo ng kanilang 2015 MMF entry na The Beauty and The Bestie, ibinahagi nila wala pa sila pareho sa showbiz nang magsimula ang kanilang pagiging magkaibigan , 15 taon na ang nakararaan.  

Kaya more on personal at hindi pang-showbiz ang kanilang friendship. Nagsasabihan sila ng mga personal na problema at nagbibigayan ng payo.

Itinuturing nilang malaking achievement sa kanilang career ang pagsasama nila sa pelikula.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Dati akala ko mas marunong ako dito kay Coco. Pero na-realize ko, parang mas matalino sa akin itong si Coco. Hindi ko alam kung may natutunan siya sa akin sa pelikulang ‘to, pero ako meron akong natutunan sa kanya,” umpisa ni Vice. 

“Eh siya kasi tuwing kakausapin niya ako laging serious. Laging, ‘Oh kamusta ka? Magkano ang ipon mo ngayon? Magkano ang ‘binabayad mo sa lalaki?’ Gano’n siya lagi. Lagi siyang paaway sa akin. Laging akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya.”

Ang sagot naman ng Primetime King:

“Sabi ko nga, bilang magkaibigan kami ni Vice, marami siyang kaibigan sa trabaho, sa showbiz, pero ako ang pagkakaibigan kasi namin personal. Kasi sabi ko nga, ‘yung concern, doon mas lumalabas, eh.” 

“Alangan namang magtsismisan kami tungkol sa ibang artista. Actually, dahil nga do’n nababagot siya sa akin dahil kapag nakikita niya ako laging personal na buhay niya ang ‘tinatanong ko,” ani Coco.

Inamin ni Vice na kay Coco siya humihingi ng advice kung minsan.

“Sabi ko, ‘Napapagod ako, nalulungkot ako.’ Eh kasi, sabi ko, tumatanda ako and parang ang dami kong nami-miss.”

Naalala rin ni Vice ‘yung mga panahon na ang gusto lamang niya ay makapagtrabaho at may maipakin sa pamilya.

“Eh. ngayon, kumita na tayo ng malaki pero bakit parang hindi ko pa rin magawa ‘yung gusto ko? Hindi ko pa rin ma’bigay ‘yung talagang kailangan ng pamilya ko, di ba, bukod doon sa mga materyal,” may kalalimang sabi pa ni Vice.

(ADPR SALUTA)