“HUWAG nating ituon ang ating mga sarili sa makamundong bagay na magiging dahilan upang hindi natin mapansin ang tunay na biyaya ng Panginoon.” Isa ito sa mga kasabihan tuwing Pasko.

Inihahayag sa ikaapat at huling Linggo ng Adbiyento ang tungkol sa mga taong nakapaligid kay Jesus katulad nina Mary at kanyang pinsan na si Elizabeth.

Bumisita ako sa biblical “hill country” na tinatawag na Ein Karem, ang village.

Nina Zacariah at Elizabeth. Ang Ein Karem ay nasa 90 kilometrong layo mula Nazareth at, kung lalakarin naman ay isang linggo ang aabutin.

Kaya’t malalaman natin kung gaano kahirap para kina Joseph at sa nagdadalantaong si Mary ang maglakbay sakay ng isang donkey at noong mga panahon na iyon ay wala pang patag na kalsada, sasakyan at bus. Sa kabila nito, naging matagumpay sina Mary at Joseph na malampasan ang pagsubok.

***

Isang araw nagtungo ako sa Lourdes Hospital sa Maynila upang komunsulta sa aking doktor. Habang ako’y naghihintay, nalaman ko na naka-confine ang isang matandang SVD priest.

Matapos kong magpakonsulta, dumaan ako sa kanya upang siya ay kumustahin. Pagpasok ko sa kanyang kuwarto, napansin ko na siya ay nag-iisa at malungkot. Nang makita niya ako, lumiwanag ang kanyang mukha at sinabing: “Oh, Fr. Bel, mabuti naman at nabisita mo ako! Salamat, salamat.” (Hindi ko sinabi na hindi aksidente lang aking pagdaan).

Naging masarap ang aming kuwentuhan nang aming sariwain ang aming pagsasama noong kami ay ma-aasign sa North.

Noong ako ay paalis na, sinabi niya: “Father, kapag may isang confrere na may sakit, huwag mong kalimutang bisitahin katulad ng ginawa mo ngayon.” Nakalulungkot man, iyon na ang huling araw na nakita ko s’yang buhay; ilang buwan bago siya mamatay.

Ang karanasan kong ito ay isa lamang sa mga klase ng pagiging mapagmalasakit. Ang iba pang paraan ay tulad ng pagtulong sa mga nangangailangan na biktima ng bgayong ‘Nona’.

Gaano kahirap para sa kanila na maging masaya at magdiwang ng Pasko. Sa tahanan, sa halip na hindi makuntento, maaari tayong tumulong sa mas nangangailangan at mas malalaman natin na tayo ay masuwerte pa sa buhay.

Ating tandaan, kalulunsad pa lamang ng Extraordinary Year of Mercy. Paano natin sasanayin ang ating mga sarili na tumulong sa iba araw-araw? (Fr. Bel San Luis, SVD)