MUMBAI (AFP) — Isang technician na nagtatrabaho sa Air India ang namatay matapos higupin ng makina ng eroplano na umuurong para lumipad sa Mumbai airport.

Nangyari ang “freak accident” noong Miyerkules ng gabi nang magkamali ng basa ang co-pilot ng flight AI 619 patungong Hyderabad sa timog India sa signal ng ground staff at pinagana ang makina.

Hinigop nito si Ravi Subramanian, na nakatayo malapit dito, iniulat ng Press Trust of India.

Sinulat ng airline sa official Twitter handle nito na isa sa kanyang technician “died in a mishap during pushback of flight AI 619”, nang hindi binanggit ang eksaktong nangyari.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Iniimbestigahan na ang insidente.