Nananawagan ang Department of Tourism (DoT) sa netizens na magsumite ng entries para sa bagong paligsahan, na naglalayong parangalan ang mga nakakatawang litrato ng mga turista na kuha sa mga tourist destination ng bansa.

“From the almost picture perfect photos of white, sandy beaches mangled by poor cropping or a giant thumb on the lens, everyone is invited to upload his own version of photo fails on Instagram, Twitter, or Facebook with the official hashtag #Visitphilippinesagain2016,” imbita ng DoT.

Layunin ng paligsahan na maakit ang mga bisita, na minsan nang nagtungo sa Pilipinas, sa nakakatuwang pahiwatig na palaging mayroong mas magagandang gawin sa susunod nilang pagbisita sa bansa.

Ang winner ay tutukuyin batay sa sumusunod na criteria: fun; beauty of the Philippines captured in the shot; at creativity.

National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

Ang mga interesadong kalahok ay maaring bumisita sa official online accounts ng DoT at sa itsmorefuninthephilippines.com, facebook.com/itsmorefuninthephilippines, at @TourismPHL para sa Twitter at Instagram accounts para makakuha ng mga karagdagang detalye tungkol sa promo.

Ang deadline para sa pagsumite ng entries ay sa Enero 15, 2016.

Ang paligsahan ay magsisilbing online launch ng Visit the Philippines Again (VPA) 2016 promotion campaign ng DoT, na naglalayong maulit ang tagumpay ng Visit the Philippines Year (VPY) 2015 campaign.

“2016 will be a year of again. Our VPA campaign will again highlight the Philippines as a multi-level experience destination with our warm Filipino people, exciting activities, and endless new discoveries in our award-winning destinations that are worth a repeat visit,” sabi ni Tourism Secretary Ramon Jimenez, Jr. (SAMUEL MEDENILLA)