Naiuwi ng Philippine Swimming, Inc. national waterpolo men’s team ang medalyang pilak sa katatapos lamang na 4th Phuti Anan Waterpolo Cup 2015 na ginanap sa Chonburi, Thailand.

Wagi ang Nationals kontra sa dalawang local squads na Chulabhorn Thailand at Royal Navy of Thailand upang tumuntong sa kampeonato.

Subalit nabigo ang mga Pinoy sa powerhouse na Singapore SAFSA sa gold medal match. Ang Chulabhorn ang nag-uwi ng tanso matapos talunin ang Royal Navy.

Ang koponan ay binubuo nina Tani Gomez, Jr., Arnel Amiladjid, Norton Alamara, Mummar Almara, Mark Jerwin Valdez, Matthew Royce Yu, Wilfredo Sunglao, Jr., Adan Evagelista, Mico Santos, Romark Belo, Macgyver Reyes at Reynaldo Salonga, Jr.,

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakasama ng koponan sina head coach Reynaldo Galang, assistant coach Dale Evangelista, referee si Ricardo Dilapdilap at team manager si Luisito Mangahis. (ANGIE OREDO)