Dobleng kabiguan ang ipinalasap ng Chiang Kai Shek College at St. Paul-Pasig sa De la Salle-Zobel School habang nagtagumpay naman ang Philippine Women’s University sa premier 15-years and Under class sa katatapos na 28th Women’s Basketball League na inihatid ng Milo sa Xavier School gym.

Namuno para sa PWU ang nahirang na Most Valuable Player na si Charlene Camba para gapiin ang Polytechnic University of the Philippines, 48-40, para sa 25-Under crown.

Tinalo naman ng Enderun Colleges ang University of Santo Tomas, 34-33, sa labanan para sa 3rd place.

Pinataob ng St. Paul-Pasig ang DLS-Z, 33-31,upang makopo ang titulo sa 13-Under Division championship ng torneo na inorganisa ng multi-awarded Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) na itinatag ni dating national coach Nic Jorge.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Isa pang kabiguan ang nalasap ng DLS-Z matapos na talunin ng Chiang Kai Shek College, 39-49,sa 17-Under Competitive Division final.

Nakopo naman ng New Era High School makaraang padapain ang St. Stephen’s High School, 37-16, ang 17-Under Developmental Division crown.