Nadine at James copy copy

INILABAS na ng Viva TV ang ticket price at petsa ng JaDine In Love concert nina James Reid at Nadine Lustre and as expected, ang pinakamahal ang unang nabili.

Sa first day release ng tiket, almost sold out na agad ang VIP section na ang tiket ay worth P4,770.

Ang ibang price ng tiket sa sinasabing “One Hot Concert” sa February 20 ng mga bida ng On The Wings of Love ay P3, 710 (Patron), P3,070 (Box Premium), P2,270 (Box Regular) at P1, 260 (Upper Box na free seating).

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Napansin lang namin na nawala ang General Admission section. Ibebenta pa kaya ang tiket o ipamimigay nang libre o sa sponsors ng concert ibibigay? Kadalasan, sa GA ang pinakamurang concert at ‘yun ang hinahanap ng JaDine fans na umaasa lang sa school allowance nila.

Namumrublema na ang ibang JaDine fans dahil may Beauty and The Beastie pa silang panonoorin sa Metro Manila Film Festival. Doble gastos for the fans, pero ang kapalit ay dobleng saya dahil sa dalawang okasyon nila mapapanood ang favorite love team nila. (Nitz Miralles)