Disyembre 15, 2001 nang muling buksan sa publiko ang “Leaning Tower of Pisa” ng Italy matapos na maglaan ang isang grupo ng mga eksperto ng 11 taon sa pagsasaayos sa tore na ginastusan ng $27 million.

Taong 1173 nang simulan ang konstruksiyon ng tore, para sa katedral ng Pisa, at natapos ito noong 1370. Sa panahon ng konstruksiyon, nagsimulang lumubog ang 190-talampakan ang taas na puting marble tower dahil malambot ang kinatatayuan nito.

Ang mga paghuhukay noong 1830s ay lalo pang nakaapekto sa pundasyon ng tore, at pagsapit ng 1900s, nasa 15 talampakan na ang pagkakahapay ng istruktura.

Noong 1989, isang araw bago pansamantalang isinara ang landmark, nasa isang milyon ang bumisita rito at umakyat sa 293 baitang nito. Makalipas ang maraming taon, inalis ng mga inhinyero ang mga lupa sa pundasyon, at nabawasan nang 16-17 pulgada ang pagkatabingi nito.

BALITAnaw

9/11: Ang pinakamadilim na pag-atake sa kasaysayan ng Amerika

Sa kasalukuyan, maaaring pumasok ang mga turista sa tore para sa isang 35-minutong paglilibot at magbayad ng 15 euros bawat isa, para sa grupo ng 40 katao.