KRIS, the brown one please copy

PAGKATAPOS ng buong Sunday na total vocal rest, naka-recover na ang boses at health ni Kris Aquino, kaya simula kahapon hanggang sa Biyernes, araw-araw ang taping niya ng KrisTV. Bukas nga, sa Baguio ang taping niya ng morning show niya sa ABS-CBN.

Sa Huwebes, bababa si Kris ng Baguio at dadaan ng Tarlac at sa Biyernes, dadaan naman siya ng Pampanga para pa rin sa taping ng KrisTV.

Sa Sabado, maggi-guest si Kris at ibang cast sa It’s Showtime para mag-promote ng All You Need is Pag-ibig. May mall show din ang cast ng movie sa MOA at Starmall, Alabang.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa Linggo, sa ASAP20 magpo-promote sina Kris ng MMFF entry ng Star Cinema at sa hapon, ang mall show sa Fishermall at SM Manila.

Kaya ang followers ni Kris na gusto siyang makita nang personal at ang buong cast ng nasabing pelikula, alam n’yo na kung saan kayo pupunta. Dalawang araw din ang mall tour ni Kris, tiyak na mag-i-enjoy nito ang kanyang fans.

Hindi namin alam kung tapos nang mag-shooting si Kris ng All You Need is Pag-ibig, pero si Bimby, may schedule ng shooting hanggang ngayong araw.

Si Derek Ramsay ang kapareha ni Kris sa MMFF entry, pero marami ang natuwa nang mag-post sa Instagram ang Queen of All Media ng picture niya kasama sina Ian Veneracion na leading man ni Jodi Sta. Maria at Xian Lim na leading man ni Kim Chiu.

Sabi ni Kris, “Pahiram muna ng leading men @jodistamaria & @chinita princess.” Dahil sa picture with Ian, marami tuloy ang nag-request na i-guest ni Kris si Ian sa KrisTV at may nag-request din na ang aktor ang isunod niyang leading man. (Nitz Miralles)