KRIS AT MAINE copy

HINDI lang sina Maine Mendoza at Julie Anne San Jose ang nagkita at nagkaayos pa nang mag-guest si Maine sa Sunday Pinasaya last Sunday. Nagkita rin for the first time sina Maine at Kris Bernal at nagpakuha pa ng picture na magkasama, at isa sa marami ang nag-like sa Instagram (IG) account ni Kris.

Parang kailan lang, na-bash si Kris ng ilang fans nina Maine at Alden Richards nang i-post ng una ang picture nila ni Alden on their way to Camarines Sur. Katakut-takot na bashing ang ginawa kay Kris ng ilang AlDub fans sa paniwala nilang na-preempt ang episode ng kalyeserye sa ipinost ni Kris na kasama niya si Alden.

Nag-sorry si Kris sa Aldub Nation at nag-sorry din si Alden kay Kris dahil sa nangyari. Curious lang kami kung sa pagkikita nina Kris at Maine, napag-usapan kaya nila ang nangyaring iyon?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, kinilig si Kris sa sinabi ni Maine na, “Ang galing mo sa Little Nanay. Nahiya na kinilig ako.”

Sabagay, totoo namang magaling si Kris sa Little Nanay bilang si Tinay, ang babaing may intellectual disability na nagkaanak. Dito nakita ang kahusayan ni Kris sa pagganap at sumasabay siya sa husay nina Nora Aunor at Bembol Roco na lagi niyang kaeksena.

Dahil sa picture nina Kris at Maine, nabuking na maraming AlDub Nation ang nanonood din ng Little Nanay ang huli at pati sila nagagalingan kay Kris. Marami rin sa Aldub Nation ang pina-follow na si Kris sa IG at mahal na rin nila si Tinay. (Nitz Miralles)