JODI AT IAN copy

MARAMING fans, young and old alike, na kinikilig sa tambalang Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion sa seryeng Pangako Sa ‘Yo. Maraming sweet moments ang dalawa at aakalain mong tinototoo nila ang kanilang roles.

Hindi tuloy maiwasang itanong sa aktor kung nagseselos ba ang kanyang asawa sa onscreen partner niya.

“Alam naman niya that I am professional pagdating sa trabaho,” kuwento ng actor nang makapanayam naming sa grand press launch ng All You Need is Pag-ibig. “Si Jodi is very professional. Kilala niya din si Jodi. Alam niya na magkaibigan kami ni Jodi. Nandoon ang chemistry namin ni Jodi sa lahat ng eksena kasi comfortable kami sa isa’t isa.”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Isang dakilang asawa’t ama ng pamilya si Ian. Noong bakante siya sa showbiz, nagagampanan niyang lahat ang kailangan ng pamilya pati na ang paghahatid-sundo sa eskuwela, maging ang pagkain sa hapag-kanan nang sabay-sabay.

Dahil biglang nagkaroon ng project, naging dahilan ito para maging abala si Ian. Alam naman ng kanyang pamilya ang kanyang pinagkakaabalahan at aniya’y nasanay na ang mga anak at asawa sa kanyang schedules o pag-uwi nang wala sa oras.

Sakaling may kasunod pang offers after Pangako Sa ‘Yo, babawi muna siya sa pamilya.

“Hindi ko alam kung ano ang nakalinya (projects). Pero kung ako lang, I’d prefer magkaroon ng kaunting break. Kung magkaroon ng susunod na trabaho, thank you, di ba? Pero siyempre I’d prefer a break after this long teleserye to prepare myself for the next role,” sey ni Ian.

Tinatanaw niyang malaking utang na loob sa Pangako Sa ‘Yo at sa mga taong sumusuporta sa kanya ang muling pagsikat ng kanyang bituin.

“I’m grateful and thankful for all the blessings of 2015. Hindi ko in-expect. For example, ‘yung Pangako, akala namin ni Jodi, nandoon kami to support KathNiel ‘tapos natutuwa kami, tumataba ang puso namin na may sumusubaybay din pala ng istorya ng part namin. Nakakatuwa. Napaka-supportive din naman nila Daniel and Kathyrn,” pahayag ng guwapong aktor. (ADOR SALUTA)