SAN MANUEL, Isabela – Isang 51-anyos na guro sa elementarya ang binaril habang sakay sa kanyang motorsiklo sa District 1 sa bayang ito.

Kinilala ni Supt. Julio Go, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, ang biktimang si Caesar Alejandro, guro sa Sta. Rita Elementary School, at residente ng Barangay Sta. Rosa, Aurora, Isabela.

Ayon sa pulisya, dakong 11:30 ng gabi nitong Linggo, sakay sa kanyang motorsiklong Suzuki si Alejandro at tinatahak ang District 1 sa San Manuel nang barilin siya sa batok.

Inaalam na ng pulisya ang mga suspek at ang motibo sa krimen. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?