Isasagawa muli ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kada Linggo na Larot’-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN ang popular at dinarayong zumba marathon bilang tampok na aktibidad sa pagtatapos ng mga programa para sa taong 2015 sa Disyembre 27 sa Burnham Green ng Luneta Park.

Sinabi ni PSC Research and Development chief Dr. Lauro Domingo Jr., hahanapin muli sa isasagawang zumba marathon na dalawang oras na dire-diretsong pagsasayaw ang tatanghalin na King at Queen habang gaganapin din ang mga mini-tournament sa chess, football at volleyball.

“We are on our third year with the zumba marathon,” sabi ni Domingo Jr.

“Actually, this is the culminating activity na para sa sumasali sa atin kada weekend para masubok at makita nila kung hanggang saan ang kanilang physical capacity at husay sa pagsasayaw sa pagsali nila lagi sa ating Laro’t-Saya,” ayon pa kay Domingo Jr.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Maliban sa mapapanalunang premyo sa zumba marathon, magsasagawa rin ng pocket tournament para naman sa mga madalas na nagpapaturo at naglalaro ng volleyball, football at chess kung saan kasali ang lahat ng mga lugar na ginaganapan ng programang na Laro’t-Saya na iniendorso mismo ng Palasyo ng Malakanyang.

Isasagawa din ng PSC ang “Walk A Mile” with the Senior Citizens, na isang pisikal na aktibidad para sa kalusugan at kasayahan ng mga nakikilahok sa programang para sa mga senior citizen na lalakarin ang kabuuang 4-5 kilometro.

Unang magsasagawa ang San Juan sa pangunguna ng Office of the Mayor sa Disyembre 18, ikalawa ang Davao Citry sa pamumuno ng Office of the Mayor sa Disyembre 21, ikatlo ang Isabela na pamumunuan ng Provincial Government at sa Bacolod City na pagtataguyod ng Province of Negros Occidental.

Samantala, muling umabot sa libong katao ang nakilaro at nakisaya sa Luneta matapos magtala ang arnis (9), badminton (72), chess (77), football (59), karatedo (14), lawn tennis (35), volleyball (79), zumba (708) at senior citizens (11) para sa kabuuang 1,063 nakilahok.

Kabuuang 179 katao naman ang sumali sa Laro’t Saya sa Kawit kung saan ang volleyball (44), taekwondo (13), badminton (12) at zumba (110). (Angie Oredo)