MEXICO CITY (AP) — Sinabi na mga opisyal na 60 katao ang inaresto sa isang operasyon laban sa child pornography sa 10 bansa sa Latin America, gayundin sa Spain at United States.

Sinabi ng federal government ng Mexico sa isang pahayag noong Linggo na ang “Operation Without Borders” ay kinabilangan ng 97 raid sa Argentina, Brazil, Chile, Colombia, Costa Rica, Spain, United States, Guatemala, Mexico, Paraguay, Uruguay at Venezuela. Nakasaad sa pahayag na nasagip ng mga opisyal ang tatlong batang babae, may edad 9, 14 at 15, na diumano’y ginamit sa paggawa ng pornographic videos.

Ang mga video ibino-broadcast sa Internet, sa pamamagitan ng email o sa mga social network. Nasamsam ang mga computer at smartphone. Ayon sa pahayag, katuwang sa raid ang Federal Bureau of Investigation (FBI).

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina