TRULILI kaya ang tsikang may gay benefactor ang kilalang actor/model na kahit walang gaanong projects ay living in style pa rin?

Napansin nga namin na pawang mamahalin at branded ang mga suot ng kilalang aktor/modelo mula shades hanggang sa sapatos na ang buong akala namin ay sponsored din ng girlfriend niyang mayaman na produkto ng reality show.

“Maabilidad si _____ (kilalang actor/model), bukod sa nahihingi niya sa dyowa niya, nanghihingi rin siya sa gay benefactor niya,” tsika ng executive ng isang network na nakatsikahan namin sa isang dinner.

‘Wow, ang guwapo naman niya,” sabi namin sa TV exec. “Imagine, dalawa dyowa.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ay, mali ka, meron pa, ‘yung ex-girlfriend niyang aktres na kaibigan niya na galit na sa kanya, nautangan pa niya nang todo-todo. Kaya sila naghiwalay kasi hindi nagbabayad. 

“Kaya ‘kita mo nga, hanggang ngayon, hindi alam ng press kung bakit naghiwalay silang dalawa. Kasi pangit namang sabihing dahil sa utang o pera,” kuwento pa.

“Sinisingil na nga siya ni _____ (ex-girlfriend actress) dahil need naman din niya ng money, eh, waley, hindi na nagpapakita at dedma sa tawag o text.”

‘Kaloka pala itong kilalang aktor/modelo na ito, maabilidad sa pagkakaperahan. - Reggee Bonoan