TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 47-anyos na babaeng dumayo pa sa Sultan Kudarat at pinaniniwalaang “tulak” ng shabu sa buy-bust na isinagawa sa public terminal sa Barangay New Isabela sa lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang naaresto na si Purita Jalos, 47, may asawa, ng Purok Mabuhay, General Santos City.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang malalaking sachet ng hinihinalang shabu at marked money. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog