BEIRUT (AP) – Dinukot sa Lebanon ang anak na lalaki ng namayapang Libyan leader na si Moammar Gadhafi ng mga militanteng naghahangad ng impormasyon tungkol sa sinapit ng iisang Shiite cleric na nawala sa Libya ilang dekada na ang nakalilipas.

Lumabas si Hannibal Gadhafi sa isang video na umere nitong Biyernes ng gabi sa Al-Jadeed TV, at hinimok na lumantad ang sinumang may impormasyon tungkol kay Imam Moussa al-Sadr. May mga bugbog sa mukha si Gadhafi sa video, ngunit sinabi niya roon na siya ay “in good health, happy and relaxed.”

Pinalaya rin agad si Gadhafi.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline