Donaire weighin copy real

Nonito Donaire Jr. VS. Cesar Juarez.

Walang hirap na nakuha nina world title challengers Nonito Donaire, Jr., at Cesar Juarez ng Mexico ang timbang sa kanilang official weigh-in kahapon sa Puerto Rico kung saan gaganapin ang kanilang laban ngayong umaga (Manila time) sa Coliseo Roberto Clemente sa San Juan, Puerto Rico.

Kapwa tumimbang ng 122lbs sina Donaire at Juarez na parehong mag-aasam sa bakanteng World Boxing Organization superbantamweight belt sa isang 12-round title bout.

Human-Interest

State university, naglabas ng pahayag tungkol sa viral post ng estudyante nila

Tiniyak naman ng 33-anyos na si Donaire (35-3, 23 knockouts) na todo buhos siya sa ensayo sabay sa pag-amin na madalas niyang napabayaan ang training sa mga huling laban nito.

“In my previous sparring you would see me sore and dragging my feet. Now, I leave the gym with a smile on my face and feeling ready to go,” ani Donaire.

Malaking bagay para kay Donaire ang pagbalik sa kaniyang kampo ng father-trainer nito na si Nonito, Sr. matapos ang mahabang panahon ng alitan ng dalawa.

“It was so easy for me to go back into using my head all over again because that’s something that me and my Dad had worked on,” ani Donaire. “With my Dad, he’s created my style. Pretty much the only person who can bring me back to who I was.”

Ito ang unang pagkakataon na lalaban sa world crown si Donaire matapos mahablot sa kaniya ang WBA featherweight belt nang pataubin siya ni Nicholas Walters ng Jamaica via 6th round TKO noong October 2014 sa Carson, California.

Unang sabak naman sa world championship ng 24-anyos na si Juarez na may ipaparadang impresibong record na 17-3, 13 via knockout.