Ai Ai, Vic, Maine at Alden copy

“ANG message lamang ng movie namin, ‘spread good vibes.’ Gusto lamang naming magpasaya sa mga manonood sa Kapaskuhan,” bungad ni Bossing Vic Sotto nang tanungin kung ano ang concept ng My Bebe Love. “Pangpamilya ang aming movie na entry namin sa Metro Manila Film Festival simula sa December 25. Maraming makaka-relate sa aming story, mga magulang at mga anak nila, mga taong nakapaligid sa kanila.”

Sinulat nina Jose Javier Reyes at Bibeth Orteza at dinirehe ni Joey Reyes ang pelikula, at kasama niya sina Ai Ai delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza. 

Original cast ba sina Alden at Maine o isinama lamang nila simula nang magtambal at sumikat nang husto ang dalawa sa kalyeserye ng Eat Bulaga?

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

“Kasama na talaga si Alden sa cast at nagkataon naman na naghahanap kami ng gaganap na anak ko sa story, at tamang-tama naman na pumasok nga si Maine sa Eat Bulaga at klik sila ni Alden, kaya siya ang kinuha naming gaganap na anak ko, si Annie,” wika ni Vic.

Kumusta namang umarte si Maine?

“She’s a natural. Siyempre sa una ninenerbyos siya pero after lamang ng ilang takes, comfortable na siya, siguro dahil madalas niyang kaeksena si Alden na hindi naman nagpabaya na suportahan siya. Sina Alden at Maine, ibang-iba sila rito sa movie kaysa daily kalyeserye nila. Alam na nating mahusay na aktor si Alden, pero with Maine here, she is not Yaya Dub, but Maine, the actress.”

Ano ang masasabi niya na marami ang nagsasabi na pelikula nila ang magta-top grosser sa MMFF?

“Kung ipinipilit nila, tinatanggap namin,” pabirong sagot ni Vic. “Pero maganda ang feedbacks na dumarating sa amin.

Confident kami na we have a good movie, good actors, good director, a good vibes film. At naniniwala rin kami na susuportahan ito ng AlDub Nation nina Alden at Maine. Hindi namin sila bibiguin.”

Kasama rin sa cast si Valeen Montenegro at may special participation ang tatlong lola sa kalyeserye na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, at sina Joey de Leon, Ryzza Mae at ang buong Dabarkads. (Nora Calderon)