Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle ang mga mananampalataya sa “mission to spread mercy and to build a society on the foundation of the merciful Jesus” noong Miyerkules sa kanyang homily para sa Eucharistic celebration sa Manila Cathedral sa pagbubukas ng Holy Year of Mercy.

“This year we have a mission. Let us build a society on the foundation of the merciful Jesus. Let every one of us be a stone for the construction of a just, truthful and loving society of mercy,” ani Tagle.

Hinikayat ng lider ng Simbahan ang daan-daang dumalo sa misa na huwag lamang pumasok sa mga Sagradong Pinto ng mga pilgrim church kundi dumaan din sa ‘doors of charity’ ng mga palaboy, maralita, bilanggo at may sakit.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Binuksan ni Tagle ang mga Sagradong Pinto kasama ang mga taong may kapansanan at dating batang palaboy ng Tulay ng Kabataan na sina Glyzelle Palomar at Jun Chura, na nakaharap si Pope Francis sa pagbisita nito sa University of Santo Tomas sa Manila noong Enero.

“Corruption and oppression of the poor and the vulnerable must stop,” ani Tagle.

Nanawagan din niya na wakasan ang katiwalian at pang-aabuso sa kababaihan at mga bata. “Stop the rampant corruption.

Stop the abuse of women and children. Spread mercy. Stop the endless abuse of the weak,” giit niya.

Samantala, ang National Shrine of the Sacred Heart of Jesus sa Makati City ay nakatakdang buksan ang kanyang mga Sagradong Pinto dakong 3 p.m. sa Biyernes, Disyembre 11. Ang Santuario de Santo Cristo sa San Juan City ay bubuksan ang kanyang mga Sagradong Pinto sa Sabado, Disyembre 12, dakong 5:30 p.m. Ang Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy sa Mandaluyong City at ang Our Lady of Sorrows Parish sa Pasay City ay bubuksan ang kanilang mga Sagradong Pinto sa Linggo, Disyembre 13, dakong 5:30 p.m. (Christina I. Hermoso)