JANELLA copy

SOBRANG love talaga ni Mother Lily Monteverde ang movie press dahil in her own little way, kasama ang anak na si Roselle Monteverde-Teo, ipinaramdam na nila ang spirit of Christmas sa grand presscon ng Haunted Mansion. Nagpa-raffle sila na siyang gustung-gusto ng lahat.

Hindi naman kasi kailangang bonggacious ang mga papremyo kundi maramdaman lang ng entertainment press na love, love, love, sila ng movie producer.

Usapan nga, Bossing DMB sa lamesa ng entertainment editors at columnists, “Nakakatuwa si Mother, ‘no, maski ano lang ipinara-raffle at magagamit mo talaga, hindi naman kailangang mahal o bongga, ang importante, naalala tayo. Partida, hindi lahat ng pelikula niya, kumikita, ha, pero siya pa ‘yung mahilig mag-share.”

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Anyway, sa nasabing presscon, hindi napigilan ni Janella Salvador na maglabas ng sama ng loob sa ginawa sa kanya ng event host sa isang Christmas party na pinuntahan niya kamakailan na siya pa naman ang endorser ng produkto.

Ang mommy ni Janella na si Jenine Desiderio ang nag-post sa social media account nito na nakalimutan ng host ang pangalan ng young actress nang ipapakilala na siya sa audience.

Napakairesponsable raw ng event host na kinuha ng organizers ng Christmas party.

“It was a Christmas party para sa isang endorsement ko, hindi ko na lang papangalanan. Hindi ko lang in-expect na ganu’n ang mangyayari. Kasi it was for my endorsement, di ba? So, nakakabastos lang. Na-off lang ako, alam mo ‘yung feeling na ganu’n na parang napahiya ka sa sarili mong event,” kuwento ni Janella.

Pero hindi na lang ipinahalata ni Janella ang pagkaasar niya sa event host dahil good vibes lang ang gusto niya.

Baka naman na-starstruck ang event hose kaya hindi nakapagsalita?

Sobrang pasalamat naman si Janella sa kanyang mommy na unang nagtanggol sa kanya.

“Tingin ko naman ganu’n talaga ang mga mommy. Protective sila sa mga anak nila,” ani ng dalaga.

At sa darating na Disyembre 25 ay kabado sina Janella, Mario Mortel at Jerome Ponce dahil first time nilang sumali sa Metro Manila Film Festival at ang lalaki pa ng mga kalaban.

“I believe in our movie, kay Direk Jun Lana, sa staff at sa lahat ng cast. This is the scariest movie for this year’s MMFF,” saad ni Janella. “Kaya sana suportahan nila. Hindi po kami mapapahiya sa inyo kapag pinanood n’yo ang Haunted Mansion. If you’re a fan of Shake Rattle & Roll, you’ve got to see thia movie.”

“Dapat panoorin n’yo ito kasama ang barkada o tropa n’yo para mas masaya,” sabi naman ni Mario. “Mas okey pag marami kayong papasok sa sinehan para sabay-sabay kayong matatakot at magsisigawan.”

Kaya sa fans ng Shake, Rattle and Roll, heto ang kapalit, Haunted Mansion. (REGGEE BONOAN)