IKINASA na ng mga producer (GMA Films, OctoArts Films, M-ZET TV Production, APT Entertainment and MEDA Productions) ang international screening ng first movie nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) with Vic Sotto and Ai Ai delas Alas.

Mapapanood ang most anticipated MMFF2015 movie na My Bebe Love #KiligPaMore (bida rin sa pelikula sina Vic Sotto at Ai Ai de las Alas) sa unang araw ng taong 2016 sa North America, Australia, Hong Kong, Middle East at Europe.

Sa social media post ng director nitong si Jose Javier Reyes, sinabi niyang mapapanood ito sa sampung cities worldwide sa mga nabanggit na bansa.

“Overwhelmed by the international screenings of MY BEBE LOVE. Best Christmas there is: thank you for this blessing. #choosehappy”,” post ng award-winning writer/director sa kanyang Twitter post.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Excited na rin ang buong Aldub Nation na mapanood sa big screen ang kanilang iniidolo. Ito ang first movie together nina Alden at Maine at nangako naman ang iba’t ibang fans club ng sikat na sikat na split-screen love team na susuporta sa pelikula.

Dahil sa kumpirmasyon ni Direk Joey tungkol sa international screening ng first movie nina Alden at Yaya, lalong na-excite ang #TeamAbroad na bumubuo ng malaking porsyento ng Aldub Nation.

Kumpirmado na rin ang mall show at personal appearance ng apat na bida ng My Bebe Love #KiligPaMore. Sa December 17, aapir sila sa Cebu City at sa December 18, tutulak naman ang cast patungong Davao City.

Inaabangan na rin ang premiere night ng movie sa December 21, Monday sa still undisclosed venue. Tiyak na rin ang pagdalo nina Bossing Vic, Ai Ai, Maine at Alden at iba pang cast members sa annual parade of stars na magaganap sa December 23, at magsisimula sa MOA Grounds. (LITO T. MAÑAGO)