BUKOD sa climate change at global warming, ang Pilipinas at maging ang buong Asia-Pacific ay nahaharap sa isang lihim na sakit at ito ay ang Human Immunodeficiency Virus (HIV). Sa kasalukuyan ay umabot na sa 220,000 teen-ager ang may impeksyon ng nasabing sakit, ayon sa report ng Asia Pacific Inter-Agency Task on Young Key Populations.

Base sa report, ang 220,000 adolescents na may HIV ay nakatira sa malalaking lungsod na tulad ng Maynila, Bangkok, Hanoi at Jakarta. Noong 2014 ay tinatayang nasa 50,000 ang naitalang bagong kaso, at sila ay nasa edad 15-19.

Karamihan sa kanila ay mga bakla at iba pang mga lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Sa Pilipinas, ang bagong bilang ng kaso, na nasa edad 15-19, ay umakyat ng 50 porsiyento sa loob ng apat na taon, mula sa 800 noong 2010 ay naging 1,210 noong 2014.

Pinangangambahan na hindi malulunasan ang AIDS epidemic hanggang 2030 kung hindi masusugpo ang naturang epidemya sa mga kabataan dahil sa nauusong pakikipag-sex ng mga lalaki sa kapwa nila lalaki. Kung bakit dumagsa naman kasi ang mga bading na napakagaganda naman at napakasiseksi at daig pa sa kaseksihan ang mga tunay na babae. At ang bunga: HIV!

Hindi lamang HIV o AIDS ang nagiging bunga ng pag-aalok ng sex ng mga bading. Nauuwi rin ito sa kamatayan, tulad ng nangyari sa Olongapo City kung saan nabigla ang isang KANO sa pag-aakala ng bebot, ay bading pala ang kasama niya kaya nailublob sa kubeta.

Para malunasan ang problema, nakasaad sa report na kinakailangang makagawa ang gobyerno ng mas maayos na data sa mga kabataan, mga paraan upang maiwasan ang HIV.

Isang hakbang na lamang at ang HIV ay mauuwi na sa AIDS. At walang lunas sa sakit na ito maliban sa magdasal, magsisi at magpreserba ng puwesto sa Memorial Park o sa kahit saang simenteryo.

BIRONG PINOY

INIDORA: Mare, dumarami raw ang kaso ng AIDS

TENEDORA: Anong klaseng AID Mare? TRAFFIC AIDE o BAND AIDE?

INIDORA: HIV, Mare… iyong sakit na papunta sa AIDS. (ROD SALANDANAN)