AI AI, ALDEN, MAINE AT VIC copy copy

PINAIYAK ni Vic Sotto si Ai Ai delas Alas sa presscon ng My Bebe Love: Kilig Pa More sa sinabi niyang, “kaisa-isang ka-love team ko siya sa movie.”

Sumagot si Ai-Ai ng, “Never akong iniwan ni Bossing. Kahit noong nasa kabila (ABS-CBN) ako, never niya akong inabandona. Tine-text niya ako at doon ko nalamang gusto niyang mag-sex kami,” pagbibiro ni Ai Ai habang lumuluha.

“May special bond na kami ni Ai Ai, kahit ‘di kami nag-uusap, nandu’n ang pagkakaibigan namin. Kaya nga nang dumating ang panahon na magsasama kami sa movie, ‘di na namin pinalusot,” sabi ni Vic.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Confident sina Vic at Ai Ai na susuportahan ng moviegoers ang My Bebe Love. 

“We have a good film, good cast and good director,” sabi pa ni Vic. “The feeling is very good. Good vibes ang film, and it’s worth your money.” (Nitz Miralles)