Target ngayon ng manhunt operation ng awtoridad ang driver ng isang pampasaherong bus na nakahagip ng isang motorsiklo na ikinamatay ng rider nito sa Caloocan City noong Lunes ng madaling araw.

Lulan ng isang Honda Wave motorcycle (9833-NR) ang biktima na si Marlon Adonis Fiel, 38, family driver, ng 56 Pioneer St., Bagong Barrio, Caloocan City nang mahagip ito ng isang pasalubong na bus sa Quirino Highway dakong 1:15 ng madaling araw noong Lunes.

Sa lakas ng pagkakasalpok, ideneklarang dead on the spot si Adonis nang tumilapon ito ng ilang metro mula sa kanyang motorsiklo bago bumagsak sa kalsada.

Isang tambay na nakasaksi ang nagsabi sa pulisya na ang nakahagip na bus ay ang Jayross Bus na may garahe sa Tungko, San Jose del Monte, Bulacan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaalam pa rin ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng bus driver. (Ed Mahilum)