Sugatan ang tatlong katao makaraang pasabugan ng mga hindi nakilalang suspek ang isang punerarya sa North Cotabato, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO), nangyari ang pagsabog dakong 1:23 ng umaga sa Collado Funeral Homes sa Barangay Poblacion sa Matalam.

Nasugatan sina Jeffrey Onoc, 23; Bernie Cristobal, 34; at Benito Samillano, 49, pawang taga-Bgy. Kibudoc, Matalam.

Batay sa report na tinanggap ni Senior Supt. Alexander Tagum, director ng NCPPO, hinagisan ng granada ng mga hindi kilalang suspek ang Collado Funeral Homes, at tinamaan ang mga biktima na noon ay nakikipaglamay sa kaanak na nakaburol sa establisimyento. (Fer Taboy)

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!